Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Banal balik PBA

0 72

Balik sa Philippine Basketball Association si Gabriel ‘Gab’ Banal nang papirmahin ng one-year contract ang veteran free agent ng Alaska Milk Huwebes sa paghahanda ng Aces sa 46th PBA Philippine Cup 2021 sa darating na April 9.

Pasaporte niya sa muling paglalaro sa unang Asia’s play for-pay hoops ang pagkopo ng season Most Valuable Player ng 2nd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup 2018-19 kahit fifth placer lang ang Bacoor City Strikers.

Nag-Finals MVP din si Banal sa paggiya sa Go For Gold Scratchers sa titulo ng 8th PBA D-League Foundation Cup 2017-18 at hinatid sa finals ng 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup league ang Nueva Ecija.

SM food to go Banner Ad

Isiniwalat ng 30-year-old, 6-foot-3 ang kaganapan sa kanyang social media account Huwebes habang nakikipagkamay kay Alaska governor at team manager Richard ‘Dickie’ Bachmann.

Kinumpirma rin ng coach ng gatas na si Jeffrey Cariaso ang pagpasok ni Banal sa team via Instagram account.

Second round pick ng San Miguel Beer sa 2014 PBA Rookie Draft ang produkto ng Mapua University Cardinals sa National Collegiate Athletic Association (NCAA), na naglaro rin sa GlobalPort (NorthPort na ngayon) noong 2015-17. (Aivan Denzel Episcope).

Leave A Reply

Your email address will not be published.