Abante Tonite Interactive

Banal pinadapa ang Valenzuela

175

Kinarga ni Gab Banal ang ­Bacoor City Strikers tungong ikatlong sunod na panalo tapos pabagsakin ang Valenzuela, 78-74, sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Martes ng hapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan City.

Namuno sa opensiba ang ­ex-pro cager sa atakeng 23 point, 8 ­rebounds at 4 assists para ­patibayin ang team sa second spot ng Group B South Division sa 18-5 win-loss record.

Sinaklolohan si Banal nina Nick Demusis at Michael Canete ng tig-15 markers para salyahin ang Valenzuela sa ikalawang sunod na talo at semplang sa 9-14 at matengga sa 10th place sa Group A North Division.

‘Di sapat ang 19 ­markers ni ­ex-pro Val Acuna para sa ­Valenzuela. (Aivan Episcope)

Ang iskor:
Bacoor 78 – Banal 23, Demusis 15, Canete 15, Pangilinan 6, Sumalinog 6, Mabulac 6, Montuano 4, Webb 3.

Valenzuela 74 – Acuna 19, Hubalde 15, Ruaya 13, Gimpayan 9, Varilla 8, Asuncion 4, Poligrates 3, Santos 2, Ricafort 1.