Abante Tonite Interactive

Banatao, iba pa ‘di magpapakabog

0 154

Puntirya ng Pilipino duathletes na duplikahin ang tagumpay ng kanilang triathlete counterparts pagsalang sa PH 30th Southeast Asian Games 2019 ngayong araw sa Subic Freeport Zone sa Zambales.

Aangas din sina Jerwyn Banatao, Joey delos Reyes, Monica Torres at Chelsea Lunes para sa gold medal sweep.

Una nang humablot ng ginto sina John Chicano (men’s) at Marion­ Kim Mangrobang, (women’s) sa swim-bike-run Linggo ng umaga.

Malaki ang tiwala ni triathlon chief Tomas Carrasco Jr. na sisikwat ng ginto sina Banatao at Delos Reyes.

“I’m pretty confident that either of them (Banato and Delos Reyes) winning the gold and silver in the men’s duathlon,” saad ni Carrasco. “Torres is my bet in the women’s division.”

Ayon naman kay duathlon coach Marco Vilog, nag-training mabuti ang kanyang mga bataan sa loob ng apat na buwan para sa run-bike-run event sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

“They practiced well and they’re inspired by the success of our triathletes,” ani Vilog.

Si Ryan Mendoza ang huling Pilipino na naghari sa men’s duathlon sa 2007 Thailand SEA Games. (Elech Dawa)