Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Banayag-Villarma ika-3 magaling na marathoner

0 120

NATALAKAY na po ng TP sa nakalipas na limang linggo na ang top three best men’s marathoner ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) o ng Pilipinas sy sina Eduardo Buenavista ng Sto. Niño, South Cotabato, Roy Vence ng Bogo City at Herman Suizo ng Sta. Barbara, Iloilo.

Sa women’s side, 1-2 sina Mary Joy Tabal ng Cebu at Christabel Martes ng La Trinidad, Benguet.

Base po iyan sa mga tinipon na records ng inyong lingcod mula sa kanilang mga panalo o resulta sa mga kompetisyon nila kagaya ng Summer Olympic Games, Asian Games, Asian Championships, Southeast Asian Games at National MILO Marathon at iba pa.

Ibinibigay ko po ang pangatlong pinakamahusay na lady marathon runner sapul nang maging opisyal na event ito sa Roxas City noong 1968, kay Jho Ann Banayag-Villarma , nag-39-anyos nitong Hulyo 15, tubong Maragusan, Compostela Valley at isang sundalong may ranggong corporal sa Philippine Army.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Siya ay 2009 Laos SEA Games champion sa clocking na 2:46:34 tapos mag-bronze medal sa 2007 Thailand SEAG (2:44:41) at dalawang beses ding nagreyna sa NMM finals (1996-2:59:57 at 1996-2:48:16).

***

Kung may reaksyon o katanungan po kayo, mag-email lang po sa ramilcruz2003@gmail.com o sa ramilcruz2003@yahoo.com.

Hanggang sa susunod pong Miyerkoles mg aka-Abante TONITE.

Leave A Reply

Your email address will not be published.