Abante Tonite Interactive

Banchero, Harris, Alaska pinagpag ang Blackwater nilunod

By
365

Nakisosyo sa liderato ng PBA Governors Cup ang Alaska sa bisa ng 116-109 panalo kontra Blackwater sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Sa likod ng dambuhalang laro nina Mike Harris at Chris Banchero ay inakbayan ng Aces ang Magnolia at Ginebra sa pare-parehong 7-2 baraha, tumitibay ang kapit sa top 4 na twice-to-beat sa playoffs.

Pasabog si Harris ng 38 points, 19 rebounds at 5 assists, nag-deliver si Banchero ng 28 markers mula sa 12 of 16 shooting at 3 for 5 sa labas ng arc.

Abante Hiring – IT dep

Nalaglag sa 6-3 ang Elite, pinangunahan ng triple-double na 29 points, 11 rebounds at 11 assists ni Henry Walker.
Sa first game, rumes­ponde ang support cast ni Allen Durham at tinakbuhan ng Meralco ang Rain or Shine sa fourth 91-82.

Inumpisahan ang season-ending confe­rence sa 1-6, nakatatlong sunod na panalo na ang Bolts tungo sa 4-6 overall at posible pang makahirit ng playoff para sa last spot sa quarterfinals kapag nanaig sa San Miguel sa huling laro nila sa eliminations sa Nov. 3.

Off the bench ay nilista ni Mike Tolomia ang 12 sa kanyang 17 points sa fourth quarter para tulungan ang pagkalas ng Meralco mula 15th at last deadlock sa 74-74.

Pinangunahan ng 7 points ni Durham ang pamatay na 16-3 run ng Bolts, mula roon ay hindi na nakarekober ang Elasto Painters.

Dumausdos sa 2-4 ang Rain or Shine, nag­larong wala sina big men Beau Belga (injury) at Raymond Almazan.

Tumapos si Durham ng all-around game na 19 points, 20 rebounds at 6 assists. Anim sa kanyang 12 ay kinamada sa fourth ni Newsome, tulad ni Tolomia ay may 6 feeds din. May double-double na 14 points at 11 rebounds si Cliff Hodge.

Tinukoy ni Norman Black ang depensa ng kanyang team na nagdala sa kanila sa three straight wins. Maganda ang rotation sa closeout defense at sa challenge sa bawat bitaw ng kalaban.

“I think it’s been nine quarters of solid defense on our part, starting with the last quarter of the NLEX game, then the Magnolia game and then tonight,” lahad ng coach.