Abante Tonite Interactive

Banchero muntik mabungi sa debut sa Magnolia

0 132

Pinasalubungan ng Magnolia ang bagong dating na si Chris Banchero ng wire-to-wire 97-71 victory laban sa Phoenix Pulse sa Miyerkoles nang gabi sa Cuneta Astrodome.

Linggo nang gabi pinirmahan ni PBA Commissioner Willie Marcial ang trade papers na nagdala kay Banchero sa Pambansang Manok Hotshots mula Alaska kapalit nina Rob Herndon at Rodney Brondial.

Dalawang praktis ang nakalipas, nag-debut siya sa Hotshots sa tono ng 10 points, 5 rebounds at 3 assists sa loob ng 22 minutes off the bench at muntik malagas na ngipin.

Sa isang play, nasiko ni RJ Jazul sa bibig si Banchero. Dating teammates ang dalawa sa Alaska.

“My old teammate hit me with an elbow. I almost lost a tooth in my first game,” natatawang pahayag ni Banchero pagkaraan. “After that, I felt a bit dizzy.”

Plinano ng Hotshots na bigyan ng magandang salubong ang Fil-Italian.
“Very welcome ‘yung pagdating ni Chris, panalo,” ani coach Chito Victolero. “’Yun din ang isa sa goal namin, kahit papaano mabigyan siya ng magandang welcome.”

Minsan, gumamit pa ng three-guard line-up si Victolero kina Banchero, Mark Barroca at Paul Lee. Depensa ang ginamit ng Magnolia para sawatain ang rally ng Fuel Masters.

Angat sa 5-4 ang Hotshots, solo sa sixth ng Governors Cup elims standings.
Overall, pasado si Banchero sa una niyang laro at saludo rin ito sa mga bagong teamamte.

“It’s good, you know. Paul and Justin (Melton) have been there non-stop, helping me learn the plays in two days,” hirit aniya.

Nakita niya kung paano gumana ang depensa ng Hotshots.

“I thought Rome (dela Rosa) did a great jbo on their import, and we made it tough on Matt (Wright) as well. Romeo Travis had a great game, I think he almost had a triple-double.” (VE)