Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Band manager inambus sa rehearsal

0 53

Dedo ang isang band manager matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang gun­man habang naghahanda ng kanilang rehearsal sa Brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela kamaka­lawa.

Kinilala ng San Mateo Police Station (SMPS) ang biktima na si Nestor Quibuyen, band manager, ng nasa­bing barangay.

Sa inisyal na re­port, ayon sa SMPS, kasalukuyang nagse­setup ng mga gamit sa banda ang biktima para sa kanilang re­hearsal nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril siya.

Agad tumakas ang salarin matapos maki­tang humandusay na ang target.

Dinala sa ospital si Quibuyen ngunit siya ay dead-on-arrival dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kanyang ka­tawan, ayon sa doktor.

Sa ngayon, nagsa­sagawa na ng follow-up investigation ang pulisya hinggil sa pamamaril. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.