Abante Tonite Interactive

Bandana Brothers, Beda sasakmal sa Perpetual

328

STANDINGS
TEAMS W L
SBU 5 0
CSB 5 0
LPU 5 1
CSJL 5 2
SSC 2 3
JRU 3 4
UPH 2 4
MU 2 5
AU 1 6
EAC 1 6

Inaasahang aatake ulit ang Bandana Brothers na sina Evan Nelle at James Canlas sa puntirya ng San Beda University na sixth straight win para sa pagsolo o pagtabla pa rin sa liderato sa pagharap sa University of Perpetual Help mamayang alas-12:00 ng tanghali.

Sa pagpapatuloy ito ngayong Biyernes ng hostilidad sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament 2019 first round eliminations na may triplebill sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Pumukol si Nelle ng 18 points, 7 rebounds at 3 assists samantalang may 11 markers si Canlas nang sakmalin ng SBU Red Lions ang Colegio de San Juan de Letran nitong Sabado, 70-66, para samahan sa tuktok ang College of Saint Benilde sa imakuladang 5-0.

Nais naman ng UPH Altas na maka­bawi mula sa 87-85 loss sa Lyceum of the Philippines University kung saan nasayang ang pagiging top scorer ni Edgar Charcos na may 16 pts.

Salpukan din ang CSB Blazer-nasa terserong LPU Pirates (5-1) sa alas-4:00 ng hapon, at ng 6th-running Jose Rizal University (3-4)-nasa pangwalong Mapua University (2-5). (Aivan Denzel Episcope)