Abante Tonite Interactive

Bandila ng Kalayaan

65

Ang unang bandilang ginamit noong 1896 hanggang 1901 ay mayroong ‘anthropomorphic sun’ na may mukha.

Ito ay tinahi sa Hong Kong at dinala sa bansa­ ni Emilio Aguinaldo. Tatlong kulay ang ginamit dito, ang asul, pula at puting tatsulok sa kaliwang bahagi na kinapapalooban ng araw na may walong sinag.

Ang walong sinag ng araw ay sumisimbolo­ sa walong probinsiya na unang nag-aklas laban sa mananakop na Espanya, ito ay ang Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Tarlac at Batangas.

Abante Hiring – IT dep

Alam n’yo bang sa mga lumang dokumento ng ating kasaysayan, wala doon ang probinsya ng Tarlac bagkus ang nakasulat ay ang probinsya ng Batangas.

***

Kabaligtaran sa ating nakasanayan, ang tatlong bituin sa ating pambansang bandila ay kumakatawan sa mga isla ng Luzon, Panay at Mindanao, hindi Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon sa proklamasyon ng ating Independence day noong 1898, ang tatlong bituin ay tumutukoy sa ‘archipela­go’s three principal islands’ kung saan nagsi­mula ang rebolusyon at hindi sa ‘principal grouping of islands’ na ang ating bansa.

Noong panahong iyon, ang isla ng Panay ay itinuturing na ‘Visayan center of revolutionary movement.’

***

Ang puti ay karaniwang simbolo ng kada­lisayan at ang tatsulok sa ating bandila ay kumaka­tawan sa Katipunan na nag-‘blood compact’ at nagtulak sa masang Pilipino para mag-aklas.

Kumakatawan din ito sa ‘Eye of Providence’ na naging inspirasyon ng Katipunan sa isinusulong na ideology.

***

Related Posts

Ang mga kulay na gi­namit sa ating bandila ay ginaya sa bandila ng mga Amerikano bilang pagkilala sa mga naitulong nito sa ating bansa.

***

Maraming mga pagbabago sa kulay ng ating bandila partikular sa kulay asul.

Sa ipinasang Executive Order no. 1010 noong 1985, ito ang mga huling taon ng termino ni Ferdinand Marcos, inaatasan nitong baguhin ang kulay mula sa Navy blue at ga­wing sky blue. Ang pagbabago ayon sa mga historians ay base sa availa­bility ng naturang kulay noong panahong iyon. Ang pagbabagong ito ng kulay ay hindi ipinaalam sa publiko.

Pagkatapos ng Edsa­ Revolution noong 1986, muling ibinalik ito ni Presidente Aquino sa orihinal na kulay na ­navy blue sa pamamagitan ng Executive Order No. 292. Si Hans Lang­seth ang may pinakamahabang balbas na may sukat na 17 & ½ feet long. Ibinigay sa Smithsonian Institute ang kanyang balbas nang siya’y mamatay.

***

Ang Africa ang nakapagtala ng may pinakamainit na temperatura na umabot sa 136.4 degrees F, kaya ito ang itinuturing na pinakamainit na kontinente sa buong mundo.

***

Ang Antartica naman ang pinakamalamig na kontinente sa buong mundo na nakapagtala ng -126.9 degrees.

***

Ang Angel falls na matatagpuan sa Venezue­la ay mas mataas ng 20 ulit kung ikukumpara sa Niagara falls ng Canada.

***

Ang pinakamalaking­ hayop na nabuhay sa mundo ay ang Blue whale. Umaabot ng 100 feet ang haba nito at may bigat na 150 tons ang timbang.