Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Banelco kinalampag sa P116M atraso sa BIPCOR

0 260

Inisyuhan kamakailan ng Bantayan Island Power Corp. (BIPCOR) ang Bantayan Island Electric Cooperative, Inc. (BANELCO) ng Notice of Execution of Management Services Agreement (MSA) matapos umanong mabigo ang coop na bayaran ang P116.5 milyon nitong obligasyon.

Ang final demand sa utang ay ipinabatid sa BANELCO noong Oktubre nakaraang taon pero hanggang sa ngayon ay hindi pa umano inaayos ang problema.

Ang MSA ay opsyon ng BIPCOR para makolekta ang nasabing obligasyon ng electric coop.

Ayon sa BIPCOR nakasaad sa Art. 8.5.3 ng Power Supply Agreement sa BANELCO ay nagsasabing kapag hindi nakabayad ang coop sa loob ng 90 days ay papasok ang BANELCO sa Management Services Agreement sa pagitan ng BIPCOR’s nominee at magkakaroon ng werpa para pamahalaan ang BANELCO.

Isa itong paraan para masiguro na ang account ng coop ay maayos na napapangasiwaan.

Ang probisyon ay panibagong level of assurance sa supplier na sa ilalim ng PSA, ang nadedeliber na kuryente ay nababayaran ng buo at sa tamang oras.

“The unpaid power in these accounts consist of the supply under the 2nd amendment where an additional 3MW was contracted by BANELCO and the interim power supply agreement where diesel gensets were rented by BIPCOR at the request of BANELCO,”ayon pa sa inilabas na statement ng BIPCOR.

Leave A Reply

Your email address will not be published.