Abante Tonite Interactive

Bang nagladlad ng wankata sa Iloilo

0 648

Enjoy sa pag-explore sa Iloilo si volleyball star Shiela Marie ‘Bang’ Pineda.

Sa Instagram nitong Lunes pinakita ng 5-foot-6, 28-year-old, veteran outside hitter ang kanyang beach body na may caption pang “Tryna blend with the locals supposedly, but I’m here, camouflaging with the rocks.”
Naglimayon si Pineda sa ilang parte ng nabanggit na lalawigan tulad ng Cabugao Island, Isla de Gigantes, Isla Saltwater Lagoon, at Tinagong Baybay Gigantes.

Idinitalye rin ng balibolista sa kanyang IG story, ang pagka-stranded sa lugar dahil sa mga suspendidong flight ope­rations ngunit Lunes ng hapon ay nakabiyahe na muli pa-Manila sa kabila nang pagputok ng Bulkang Taal Linggo ng gabi sa Talisay/San Nicolas, Batangas

Siya’y player­ ng Choco Mucho Flying Titans na naghahanda sa 4th Premier Volleyball League 2020. (JAT)