Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangag na erpat hinostage misis, 2 anak

0 178

MATAPOS na umano’y tumira ng droga at di na natutulog, hinostage ng naburyong na ama ang asawa at dalawa nitong anak sa loob ng higit 2-oras sa Mendez, Cavite.

Hawak ngayon ng pulisya si Marvin Salgado, 36, isang construction worker matapos i-hostage ang asawang si Ellen Salgado, anak na sina alias Angel, 9 at Kristoff, 10, pawing residente ng General Trias St., Poblacion 6, Mendez, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Christian Espiritu, ng Mendez Municipal Police Station, dala ng sobrang depresyon, hinostage ng suspek ang kanyang mag-iina at pinagbantaang papatayin gamit ang kutsilyo sa loob ng kanilang bahay ala-1:30 kamakalawa ng hapon .

SM food to go Banner Ad

“Noon daw Sabado ay gumamit siya ng droga, at simula noon ay hindi na ito nakakapagtulog kaya tuluyan na siyang naburyong” ayon kay Corporal Espiritu

Unang hiniling ng suspek na bigyan siya ng baril at mga bala sa mga negosyador pero hindi ito pinagbigyan.

Habang kinakausap nina Cavite Provincial Director, PCol Marlon Santos, PLtCol Egbert Tibayan, PMajor Jonatahn Asnan, Chief POMU at mga elemento ng SWAT ang suspek ay puwersahan siyang pinasok

kaya naaresto at naisalba ang mag-iina alas-4:46 kamakalawa ng gabi. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.