Abante Tonite Interactive

‘BangBros Center’ ipapalit sa American Airlines Arena

335

handang maglabas ng $10m H( nasa P519,410,000) ang isang pornographic company para lang mapalitan ang pangalan ng arena ng Miami Heat.

Sa inilabas na statement ng BangBros, nais nilang ipangalan sa kanilang kompanya ang American Airlines Arena na homecourt ng NBA team ng Miami.

Ito ay matapos malaman na hindi na ire-renew ng American Airlines ang kanilang naming rights deal sa Miami na mapapaso sa pagtatapos ng taon.

Ayon sa tweet ng BangBros: “We’ve officially Submitted our $10,000,000 bid for the naming rights to the Miami Heat Arena.”

“We wish to thank American Airlines for their past support of the @MiamiHEAT We intend to change the name to the BangBros Center aka ‘The BBC’ #BangBrosCares.” (RP)