Abante Tonite Interactive

Banggaang Locke, House tampok sa RoS vs Alaska

223

Mga laro ngayon: (MOA Arena)

4:30 pm – Meralco vs. Alaska

7:00 pm – Magnolia vs. Rain or Shine

(Coca-Cola Arena, Dubai)

8:00 pm (10:00 pm, Manila) – SMB vs. NLEX

Taas-baba ang kampanya ng Rain or Shine sa PBA Governors Cup, tapos ng tatlong laro ay may barahang 1-2.

‘Di makuha ang ritmo kay Joel Wright, nagpalit ng import ang Elasto Painters. Sa pang-apat na laro, isasalang ni coach Caloy Garcia ang bago niyang reinforcement na si Kayel Locke sa second game sa MOA Arena mamaya kontra 1-1 Magnolia Hotshots.

Sa first game, bakbakan ang 1-1 Meralco laban sa 0-3 Alaska na magpaparada rin ng bagong import kay Franko House na ipinalit kay injured Justin Watts. Teammates dati sina Locke at House sa Lanstede Zwolle sa Netherlands.

Isang linggo nang narito si Locke, nakapag-ensayo na sa Painters.

“He already knows how we play,” ani Garcia. “He runs our offense smoothly, bring a different look and can play multiple positions.”

Produkto ng North Carolina-Greensboro si Locke at bukod sa Dutch Basketball League ay nakapaglaro na rin sa Kosovo, Latvia, Finland, Estonia at pinakahuli sa Malaysia.

Mapapalaban agad si Locke sa subok nang import ng Magnolia na si Romeo Travis. (VE)