Abante Tonite Interactive

Bangis ni Nierva, NU matitikman ng AdMU

233

Masusubukang muli ang bangis ng National University (NU) Lady Bulldogs laban sa na­ngungunang Ateneo de Manila University (AdMU) Lady Eagles sa pagtatapos ng first round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament alas-dos Sabado ng hapon.

Matindi ang hinarap ng Lady Bulldogs noong Marso 13 para masungkit ang kanilang pangalawang panalo sa torneo.

Sinakmal ng mga taga-Sampaloc ang UP Lady Maroons 25-17, 14-25, 17-25, 25-23, 17-15 at tinanghal si rookie libero Jennifer Nierva bilang Player of the Game noong laban na iyon.

“Ganun ang result kasi ginusto naming manalo. Pinagtrabahuhan namin every point,” giit ni Nierva, na nagtala ng 29 excellent receptions at 26 digs.