Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangka lumubog, 10 nailigtas ng coast guard

0 101

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Pio Duran ang 10 tao mula sa tumaob na motorbanca sa bahagi karagatan ng Albay.

Sa repot, nangyari ito 250 meters mula sa Pio Duran Port, nang tumaob ang MBCA Island Breeze kahapon ng umaga dahil sa lakas ng hangin at alon.

Hindi agad nakatugon ang mga coast guard dahil sa sama ng panahon.

SM food to go Banner Ad

Sa lakas ng hangin, inalon ang banca sa pantalan kung saan naghagis ng lubid ang mga coast guard saka sila ni-rescue.

Katuwang nila ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Ports Authority, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office personnel, at ilang concerned citizens.

Kwento ni Eric Odena, kapitan ng barko, papunta sila sa Claveris Island nang hampasin ng malalakas na alon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.