Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangka lumubog sa Balesin, 1 nasagip

0 414

NASAGIP ang isang mangingisda sa bahagi ng Polilio, Quezon nang lumubog ang kanyang bangka sa may Balesin Island.

Kwento ni Andy Rogon, kapitan ng barko, nangyari ito nitong Martes.

Nabatid na habang naglalayag sila galing sa bayan ng Real nang mapansing nagpapasaklolo ang mangingisda na si Bismarc Rutaquio.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nang malapit na kami, nang approaching na po kami ng Balesin, nakita po ng aking 2nd officer na may nakaway, nahingi ng tulong. Agad pumunta sa akin, agad naming binigyan ng aksyon para matulungan yung mangingisda,” sinabi ni Rogon,

Sinabi pa niya, base sa kwento ni Rutaquio bigla na lang siyang hinampas ng malakas na alon dahilan para tumaob ang banca at lumubog ito. Naghihintay siya ng rescue nang tiyempong dumaan si Rogon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.