Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangka na kargada ng gas sumabog, 2 dedo

0 168

Dalawa ang nasawi habang tatlo ang nagtamo ng mga paso matapos sumabog ang isang motor launch Biyernes ng gabi sa isang pribadong pantalan sa Barangay Baliwasan, Zamboanga City.

Ayon sa ulat, may kargang 200 bariles ng gasolina ang bangka. Kada bariles ay naglalaman ng 200 litro ng gasolina.

Ani Chief Inspector Jaqueline Ortega, ground commander ng city fire department, natanggap nila ang report tungkol sa pagsabog sa pantalan ng Petron Corporation bandang alas-10:17 ng gabi noong Biyernes sa pamamagitan ng emergency hotline 911.

Naapula ang apoy alas-6:30 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ang nasawing sina Mujib Andam at Rene Jimlani, habang nawawala si Mujib Masaraja Abdurasid.

Kabilang sa sugatan ang kapitan ng bangka na si Jilamad Addah; Mawar Najar Haminon; Jupakkal Ahamad at Nurhan Ahamad Amping.

Dagdag ni Ortega, ang pagsabog ay dulot ng pag-apoy mula sa engine compartment sa ibabang bahagi ng M/L Zaida May.

Pag-aari umano ang bangka ng isang Salam Addah. (Kiko Cueto/Issa Santiago/PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.