Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangka na may 6 sakay tumaob

0 85

Limang mangingisda ang nasagip habang isa ang nawawala matapos tumaob ang bangkang de motor na kanilang sinasakyan habang pumalaot sa karagatang sakop ng Sulu, Sea dahil sa sama ng panahon, ayon sa ulat ng Joint Task Force (JTF) Sulu kahapon.

Sa statement ng JTF Sulu, tumaob ang bangkang de motor na FV OK LANG nitong Biyernes dahil sa sama ng panahon kung saan lulan ang anim katao.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matapos ang 17-oras na search and rescue operation ay natagpuan ang limang mangingisda sa Panganaa island sa Barangay Bonbon sa bayan ng Patikul, Sulu.

Kinilala ni Naval Task Group Sulu’s Colonel Ruben Candelario ang nasagip na sina Kaisar Pulalon, Judimar Pulalon, Alvin Pulalon, Rene Pulanon, at Alnaser Hadjirul, pawang mga residente ng Barangay Tanjung, Indanan, Sulu.

“We are still searching for Arman Pulalon, the last remaining passenger,” pahayag ni Candelario. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.