Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangka nagliyab sa Navotas fish port

0 22

Nilamon ng apoy ang isang bangka nitong Huwebes ng hapon sa Navotas Fish Port Complex, Pier 3 sa Navotas City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Public Information Office, umabot sa unang alarma ang sunog bandang ala-1:32 kahapon ng hapon at idineklarang under control alas-2:06 ng hapon.

Tuluyan namang naapula ang apoy bandang alas-2:16 ng hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa nasabing insidente.

Sa ngayon, inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.