Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangka tumaob, 11 turista sinagip ng mga mangingisda

0 89

Nailigtas ng mga mangingisda ang 11 turista mula sa tumaob na bangka sa karagatang sakop ng Barangay Calintaan sa Matnog, Sorsogon.

Sa report mula sa Matnog Municipal Police Station, sinasabing ang sakay ng bangka nang tumaob ito ay mga lokal na turista na papunta sana sa isang beach resort.

Sa imbestigasyon, biglang lumakas ang alon at hangin kaya tumaob ang bangka, na isang kilometro na lang ang layo noon sa resort.

Napansin ito ng mga mangingisda kaya agad nilang ni-rescue ang mga turista. Nagpalutang-lutang naman ang mga personal na gamit ng mga pasahero.

Lumalabas na hindi rehistradong bumiyahe para sa mga turista ang nasabing fishing boat na siyang nirentahan sa halagang P1,000. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.