Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangka tumaob sa Laguna de Bay, 3 buwis-buhay

0 218

Tatlo ang namatay matapos tumaob ang isang motorboat na may lulang pito katao sa Laguna de Bay malapit sa Barangay Habagatan sa Talim island sakop ng Binangonan, Rizal, Sabado ng hapon.

Sa report ng Los Baños MDRRMO, galing sa kanilang bayan ang bangka sakay ang pito katao patungong Talim island para kumuha ng mga kawayan na gagamitin sa pagtatayo ng mga baklad.

Inabutan ang mga ito ng malalakas na hangin at alon habang papalapit sa isla kaya tumaob ang bangka.

Agad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga bangkero mula sa Barangay Habagatan, kalapit coastal barangay at mga tauhan ng Los Banos MDRRMO.

Bandang hapon, nang mailigtas ang apat sa mga sakay subalit nawawala ng tatlo.

Umaga ng Lingo nang magkakasunod na makita ang tatlong nawawala na pawang wala ng buhay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Richard Gaylon, Renato Gaylon at John Lorence Escala, pawang taga-Los Baños, Laguna. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.