Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay bumulaga sa bangin

0 48

Isang lalaki ang natagpuang wala ng buhay sa isang matarik na bangin sa Gen Trias City, Cavite Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mack Espiritu y Estormos, 30, may live-in partner, ng Brgy San Francisco, Gen. Trias City.

Sa ulat ni PSSgt Cristopher Dumalo, ng Gen Trias City Police, bago natagpuan ang bangkay, dakong alas-12:05 kamakalawa ng hapon ay nagpaalam ang biktima sa kanyang live-in partner na pupunta sa kanyang mga kamag-anak kung saan dadaan sa isang ilog bago makarating sa kanilang tirahan.

Pero umabot na ng gabi ay hindi pa rin umuuwi ang biktima hanggang sa nakita na lamang nila ang katawan nito sa isang daanan kung saan pinaniniwalaan na nahulog ito mula sa matarik na bahagi ng bangin na sakop ng Brgy San Francisco ng naturang lungsod.

Iniimbestigahan pa rin ng Cavite police ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.