Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay bumulaga sa bubong

0 103

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa bubong ng isang bahay sa Caloocan City nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa isang residente ng Brgy. Bagong Silang, nakita ang bangkay sa bubong ng bahay ng kanyang kapitbahay bandang alas-otso ng umaga nang umalingasaw ito.

SM food to go Banner Ad

Maga ang mukha ng bangkay at halos hindi na makilala. Hindi batid ng magkakapitbahay kung paanong napunta sa bubong ang bangkay pero noong Linggo umano ay nakarinig ang mga residente sa lugar ng kalabog at putok ng baril.

Lumala ang mabahong amoy mula sa bangkay nitong Biyernes.

Kuwento ng umano’y pamilya ng biktima, nakasama nila ang lalaki sa birthday nito nitong Linggo pero makalipas ang ilang oras ay hindi na ito umuwi pa sa kanila. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.