Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay hubad na bumulaga: Bebot todas sa torture

0 79

Bugbug-sarado at walang saplot ang kalahating katawan nang matagpuan ang bangkay ng isang babae sa madamong lugar sa Barangay Sucat, Muntinlupa City, Martes ng gabi.

Ayon kay PCol. Angel Garcillano, officer in charge ng Muntinlupa City Police, alas-11:45 ng gabi nang matagpuan si Aira Mae Garcia, 25, production operator, ng Sitio Pagkakaisa, Zone 4, Barangay Sucat, na nakahandusay sa damuhan ang hubad na katawan.

Isinugod ang biktima sa Ospital ng Muntinlupa pero idineklara itong dead on arrival. Lumitaw na pinahirapan ang biktima base sa mga bugbog nito sa katawan bukod pa sa hinihinalang inabuso ito.

Bago matagpuan ang biktima, nagpasaklolo ang live-in partner nito sa pulisya sa pagkawala nito ng ilang araw kaya isinagawa ang paghahanap.

Isinailalim sa otopsiya ang biktima upang matukoy kung ito ay hinalay. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.