Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay naispatan matapos ang 5 taon

0 105

Natagpuan na ng mga awtoridad ang bangkay ng isang lalaki sa bakan­teng lote sa Lapu-Lapu City na limang taon nang nawawala.

Kinilala ng NBI Re­gion 7 ang biktima na si Richard Caravana, residente ng Cordova sa Cebu.

Sinabi ni Arnel Pura, NBI 7 Investigator, na noong taong 2017 pa pinaghahanap si Carava­na ng kanyang pamilya.

Aniya, nagpaalam ang lalaki na pupunta sa kaibigan pero hindi na bumalik.

SM food to go Banner Ad

Nakilala naman ang kanyang bangkay ng mga kaanak.

Sinabi ni Pura na base sa inisyal nilang pagsu­suri ay tila pinahirapan pa ang biktima.

Kabilang sa tiniting­nang anggulo ng mga awtoridad ay ang pag­nanakaw o premeditated killing. Inaalam din kung sino ang utak sa pagpa­tay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.