Abante Tonite Interactive

Bangkay ng 2 Czechs natunton sa Coron

By
76

Natagpuan na ang bangkay ng dalawang turistang Czechs na nawala habang nag-a-island-hopping kasama ang 13 iba pa nilang kababayan sa Kayangan Lake sa Coron Island, Palawan.

Halos lumobo na ang katawan ng mga biktimang sina Jakub Brazda, 25, at Martin Sefcik, 28, nang matagpuan ng mga rescue team mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at ­MIMAROPA police.

Ayon kay MIMAROPA police spokesman Supt. Imelda Tolentino, nahanap ng mga rescue teams ang bangkay ng mga turista sa 21.8 metro na ilalim ng tubig, noong Lunes ng gabi makalipas ang halos kalahating araw na paghahanap.