Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng 2 DPWH engineer, 1 pa nahukay sa landslide

0 101

Natagpuan na kamakalawa ng hapon ang bangkay ng dalawang nawawalang engineer ng Department of Public Works and Highway (DPWH) at isa pang hindi kilalang lalaki na pawang natabunan ng buhay ng gumuhong lupa sa Banaue, Ifugao dulot ng bagyong Ulysses.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) Cordillera Director Brig. Gen. R’win Pagkalinawan, ika-1:20 ng hapon nang unang matagpuan ang bangkay ni John Limoh, 31, sa Sitio Wang-wang, Barangay Libu-ong. Ilang minute lang, ang bangkay naman ni Julius Gulayan ang natagpuan sa search and retrieval operation ng awtoridad.

Ang bangkay ng dalawang engineer ay positibong kinilala ng kanilang mga kaanak.

Alas-3:00 din ng hapon nang mahukay ang bangkay ng isang hindi pa kilalang lalaki sa Barangay Libu-ong, dinala ang bangkay sa munisipyo upang doon kilalanin.

Matatandaang una ng natagpuan ang bangkay ng dalawa pang miyembro ng DPWH-Ifugao 2nd District Engineering Office noong Nobyembre 13, na sina Joel B. Chur-ig, 47, at Johnny Duccog.

Ang isa pang maintenance worker ng DPWH Ifugao na si James Harold Guinyang ang unang natagpuan ng search and rescue team noong Nobyembre 13, na nakaratay ngayon sa ospital. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.