Abante Tonite Interactive

Bangkay ng babae tinapon sa Las Piñas

822

Isang hindi pa nakikilalang babae na hinihinalang biktima ng summary execution o mas kilala sa tawag na salvage, ang natagpuan sa isang bakante lote sa BF Resort Village, Talon 2, Las Piñas City nitong Biyernes ng hapon.

Nakabalot ng plastic bag ang ulo ng biktima na tinatayang nasa 60-65 ang edad, may taas na 5’1, kayumanggi at nakasuot ng kulay pink na duster.

Dakong ala-2:45 ng hapon nang matagpuan ang biktima sa Padua St., BF Resort Village.

Ayon kay Alvin Flores, 50-anyos, naglilinis siya sa labas ng kanilang bahay nang mapansin niya ang bangkay ng biktima na nakabalot ng plastic bag ang ulo.

Agad nitong ipinagbigay alam sa kanilang barangay ang insidente.

Paniwala ng pulisya na biktima ng salvage ang babae pero wala namang nakitang mga sugat sa kanyang katawan maliban lamang sa nakabalot ang ulo nito sa plastic bag. (Armida Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad