Abante Tonite Interactive

Bangkay ng babaeng naka-diaper bumulaga sa palengke

0 336

Nakasuot pa ng diaper nang makita ang bangkay ng isang babae sa loob ng palengke sa Malabon City, Linggo nang gabi.

Alas-10:30 nang makita ng isang tindero ang labi ng babae na nakilala lang sa alyas na ‘Myra’, na nakahandusay sa gilid ng semento sa loob ng Sevilla Boulevard, Malabon Central Market, Brgy. Taniong.

Nakasuot ng green stripe sando ang biktima, tinatayang nasa 40-45 ang edad, nakatira sa 10th Avenue, Caloocan City.

Maagap namang rumesponde si P/SSgt. Rommel Bensurto, ng Malabon Police Station.

Posible umanong atake sa puso ang dahilan ng pagkamatay ng biktima at madalas daw itong nakikita sa loob ng palengke na natutulog.

Wala ring pasa o sugat sa katawan si Myra, kaya walang palantadaan na pinaslang ito. (Orlan Linde)