Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng baby tinapon sa basurahan

0 193

Natagpuan ang isang bangkay ng sanggol na babae na itinapon sa basurahan sa Purok Sadjo, Maxicar Village, Loakan Proper, Baguio City kamakalawa.

Ayon sa Baguio City Police Office (BCPO) nadiskubre ng isang garbage collector ang sanggol sa basurahan. Wala na itong buhay, nakabalot sa isang kumot, nasa karton ng sapatos at nakasilid sa eco bag.

Ipinaalam niya ito sa mga barangay official na ni-report din sa pulisya.

Ayon kay BCPO-Station 4 commander P/Capt. Annie Crmel Comising, ang sanggol umano ay bagong silang dahil nakakabit pa ang umbilical cord nito.

Hinahanap na ang nagtapon sa sanggol. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.