Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng bata lumutang sa Marikina River

0 250

Makalipas ang halos tatlong araw na rescue operation ay natagpuan ang katawan ng bata na nalunod sa ilog sa Marikina City nitong Biyernes ng umaga.

Noong Miyerkoles, nakatanggap ng tawag ang Marikina Command Center Rescue 161 tungkol sa isang bata (hindi pinangalanan) na nalunod sa Barangay Tumana, Marikina River.

Agad nagpadala ng Search and Rescue Team ang Marikina Rescue 161 kasama ang BFP-Special Rescue Unit upang hanapin ang bata na ayon sa mga magulang ay huling nakita na nasa ilog.

Ilang araw nagsagawa ng search and retrieval ang mga awtoridad upang mahanap ang katawan ng batang nalunod. Bandang alas-11:08 kahapon ng umaga ay naispatan ang katawan ng bata na lumulutang sa Marikit Floating Stage sa Sta. Elena sa nasabing barangay.

Iniahon ang bangkay at kinumpirma ng mga magulang na anak nila ang natagpuang yumaong bata.

Agad namang tinulungan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang mga magulang ng nalunod. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.