Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng bebot bumulaga sa Montero

0 164

Nakilala na kahapon ng pulisya ang babaeng natagpuang patay nitong Martes ng hapon at may mga saksak sa katawan sa loob ng kanyang SUV sa bayan ng Sta. Barbara, Iloilo.

Kinilala ng pulisya, base na rin sa kumpirmasyon ng kapatid nito, ang biktimang si Claire Diergos, 36-anyos, residente ng Deca Homes Subdivision sa kalapit-bayan na Pavia, Iloilo. Napaulat na nagtatrabaho ang biktima sa isang insurance company, at mayroon din umanong ilang negosyo.

Lumalabas na ang naturang SUV ay pag-aari ni dating San Dionisio, Iloilo Mayor Peter Paul Lopez. Binili umano ni Diergos ang nasabing kotse sa presyong P850,000 pero hindi pa fully-paid.

Napag-alaman na nadiskubre ang naaagnas nang bangkay ni Diergos dakong alas-3:00, Oktubre 26 ng hapon sa loob ng kanyang silver Mitsubishi Montero Sport na may plakang WRQ-846. Ang labi ay nakapuwesto sa back seat ng kotse at binalot ng kumot.

Umaalingasaw na ang bangkay nang ito ay matuklasan dahilan na rin ng pagkakadiskubre nito matapos sundan ng mga residente ang pinanggagalingan ng amoy.

Ayon sa salaysay ng mga residente ng lugar, ipinarada ang nasabing sasakyan sa kahabaan ng Brgy. Inangayan ng nabatid na bayan, gabi ng Oktubre 22.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na ang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa katawan at mga laslas sa leeg.

Napag-alaman din mula sa mga residente na may nakita silang isang babae at isang lalaki na nagtatalo sa kalsada at kalauna’y pumasok sa nasabing kotse. Meron din umano silang nakitang dalawang lalaking nakatayo sa gilid ng SUV.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.