Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng dalagita lumuwa sa Cagayan river

0 241

NAKITA na ang bangkay ng isang estuyanteng babae na nalunod matapos ang dalawang araw na paghahanap ng mga rescue team sa Cagayan River bahagi ng Barangay Fugu Abajo, Tumauini, Isabela kamakalawa.

Ayon sa Tumauini Police Station (TPS) natagpuan ang bangkay ni Shery Mae Acaso, 16, Grade 10, ng nasabing barangay na naiulat na nawawala noon pang Miyerkules, October 21.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ng TPS, natagpuan ng operatiba ang katawan ni Acaso na lumulutang sa Cagayan River.

Sa inisyal na report ng TPS, bago ang insidente, kumuha ng kahoy ang biktima upang panggatong kasama ang isang kaibigan nang aksidente itong mahulog sa malalim na parte ng ilog.

Sinikap ng kasama nitong si Jennelyn Lacasga, 16, na sagipin ang biktima ngunit dahil ang tubig ay hindi na nakayanan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.