Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng Kano bumulaga sa apartment

0 196

Natagpuang patay ang isang Amerikano sa loob ng kanyang inu­upahang apartment sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City nitong Linggo.

May umaagos pang dugo mula sa bibig nang madiskubre ang bangkay ni William John Messerich, 55-anyos, American national, US pensioner, at nangu­ngupahan sa apartment sa Republic Avenue, Brgy. Holy Spirit, QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-8:30 ng umaga ng kamakalawa, nang madiskubre ang bangkay ng dayuhan sa loob ng silid nito sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jude­rick Latao ng QCPD Holy Spirit Police Station 14, ang labi ng biktima ay nadiskubre ng landlady nitong si Milagros Ulita, 64, na sinasabing agad humingi ng saklolo sa kanilang mga opisyal ng barangay.

Mabilis na rumes­ponde ang tauhan ng barangay police na si Rogelio Muit, at nang makita si Messerich na nakahandusay sa kama ay ini-report na niya ito sa mga awtoridad.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang landlady na umiinom ng alak mag-isa sa loob ng inuupahang silid, bandang alas-4:00 ng hapon nitong Nobyembre 27.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.