Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng lalaki inanod sa Cavite

0 197

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa sanhi ng pagkamatay ng isang lalaki na natagpuan sa gilid ng dagat sakop ng Cavite City Sabado ng gabi.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 40-48, may taas na 5’4 – 5’7, katamtaman ang pangangatawan, naka-long sleeve na kamiseta, shorts, naka-cotton gloves ang mga kamay at foot sacks ang mga paa.

Sa ulat ni PSMSgt Jonathan Baclas, ng Cavite City Police Station, alas-10:30 Sabado ng gabi habang nagpapatrulya ang mga Barangay Tanod sa gilid ng baybayin na sakop ng Barangay 8, Lungsod ng Cavite ay napansin nila ang bangkay ng biktima. Hinila nila ito sa may pampang at itinawag sa pulisya.

Ayon sa ilang saksi, huling nakita ang biktima Sabado ng umaga habang nangunguha ng green shells sa breakwater na sakop ng Barangay 8.

Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.