Abante Tonite Interactive

Bangkay ng lalaki tinapon sa Taguig

343

Nakabalot ng plastik ang mukha nang matagpuan ang bangkay ng lalaki na umano’y hinagis mula sa isang hindi naplakahang sasakyan sa C5 Road sa Upper McKinley Road, Taguig City, Linggo nang madaling-araw.

Tinatayang 29-30 ang lalaki, nakasuot ng chequered na shorts at T-shirts. Hinihinala ng pulisya na biktima ito ng summary execution at posibleng suffocation ang kinamatay nito dahil walang senya­les na binaril ito o sinaksak.

May isang saksi umano na nakitang hinagis ang biktima mula sa isang hindi naplakahang sasakyan bago tuluyang tumakbo papunta sa southbound ng C-5.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang kaso upang malaman ang pagkakakilanlan ng biktima. (Vick Aquino)