Abante Tonite Interactive

Bangkay ng magandang babae itinapon sa SLEX

By
266

Hindi naman naging problema ni Isay ang paghahabol ng kinakasama sa kanilang dalawang anak dahil hinayaan na rin ng lalaki na sa poder ng pamilya ng ka-live in manatili ang kanilang mga anak lalu na’t naniniwala siyang hindi pababayaan ng mga kapatid ng babae.

Mula nang maghiwalay sina Jun-Jun at Isay, ipinasiya na ng lalaki na umalis na rin sa kanilang inuupahang tirahan sa St. Rita St. Mari­caban at sumama sa kanyang mga magulang na lumipat na rin ng tirahan sa isang lugar sa Cavite.

Tulad ng inaasahan, muling tinanggap ni Mang Ronald ang kanyang anak, pati na ang dalawang apo, at upang hindi naman maging mabigat ang pagpapa-aral sa dalawang bata, inako ng isa sa mga ka­patid ni Isay ang pagpapa-aral sa lalaki niyang anak.

Nagsikap din naman si Isay na mapalaki ang mga anak sa maayos na pamamaraan bagama’t hindi naman siya makakuha ng maayos na trabaho dahil na rin sa hindi pagtungtong sa kolehiyo.

Sa kabila naman ng pagkakaroon na ng dalawang anak, hindi naman kaagad kumupas ang angking kariktan ni Isay kaya’t marami pa rin sa kanilang lugar ang nagpapahiwatig ng pagnanais na muli niyang buksan ang puso sa tawag ng pag-ibig.

Isa sa masugid na manliligaw ni Isay ang 32-anyos na si Alfredo Torres, Jr. na dati namang ka-live in ni Margie na isa ring residente ng naturang barangay.

Mula nang maghiwalay sina JR at Margie, naging masugid ng manliligaw ni Isay ang lalaki na da­ting malapit na kaibigan at kabarkada ni Jun-Jun, ang dating kinakasama ng dalaga at ama ng dalawa niyang anak.

Naging malapit sa isa’t-isa sina JR at Jun-Jun dahil bukod sa lumaki sa isang lugar, naging driver ang huli ni dating Kagawad Andrew Torres, ang nakatatandang kapatid ni JR.

Lingid sa kaalaman ni Jun-Jun, noon pa man ay may paghanga na si JR. kay Isay bagama’t hindi naman siya gumawa ng paraan upang kataluhin ang kabarkada lalu na’t kalive-in pa rin niya si Margie.