Abante Tonite Interactive

Bangkay ng magandang babae itinapon sa SLEX

TUGIS: Part 6

By
206

Dahil batid niyang naghiwalay na ang dala­wa, gumawa na si JR ng paraan upang maging malapit kay Isay at tuluyang ipahiwatig ang pagnanais niyang makapiling habambuhay ang dalagang ina.

Hindi naman nabigo ang lalaki dahil sa hu­ling bahagi ng taong 2015, sinagot ni Isay ang iniaalok na pagmamahal ni JR na labis na ikinadismaya naman ng kanyang amang si Mang Ronald.

Taong 2016 nang ipasiya ni Isay na tuluyang makisama na at tumira sa inuupahang bahay ni JR sa 282 St. Joan St. Brgy. Maricaban habang ipinaubaya muna ang mga anak sa pangangalaga ng kanyang mga kapatid.

Sa kabila ng malaking pagtutol ni Mang Ronald kay JR bilang bagong ka-live in ng kanyang anak, pilit na inilalapit ng babae sa kanyang ama ang kinakasama sa pag-asang tanggapin nito ang lalaki.

Sa pahayag ni Mang Ronald sa TUGIS, ilang ulit aniyang nagtutungo sa kanilang bahay ang anak upang ilapit sa kanya ang loob ng kinakasama subalit kahit anong laki ng pagmamahal niya bilang ama sa anak, hindi niya maramdaman na kakayanin pa niyang tanggapin si JR lalu na’t may mga naririnig na siyang negatibong balita hinggil sa aktibidad ng lalaki.