Abante Tonite Interactive

Bangkay ng magandang babae itinapon sa SLEX

330

Sinabi pa ni Mang Ronald na hindi lang nahuhumaling sa iligal na droga si JR kundi ang alam niya ay nagbebenta rin ito ng shabu kaya’t kahit papaano’y may kakayahan pang bumili ng sariling sasakyan.

Hindi rin lingid sa kaalaman ni Mang Ronald ang madalas na pagpapa-inom ni JR sa kanyang mga kabarkada na kadalasan ay ginagawa pa sa mismong lansangan at ina­abot ng hatinggabi.

Batay naman sa naging pahayag nina Barangay 186 Secretary Silvestre Dalina at barangay record keeper Alvin Baldemor, kabilang ang pangalan ni JR sa drug watch list ng Barangay Drug Abuse Council (BADAC) na kanilang isinumite sa Philippine Drug Enforcement Agency. (PDEA).

Sa katunayan aniya, noong nasa kainitan ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP) isa si JR sa mga nagpasyang sumuko upang ipabatid ang kahandaang magbagong buhay at iwasan ang pagkahuma­ling sa iligal na droga.

Hindi naman naging hadlang kay Isay ang hindi magandang rekord ng katauhan ng bagong ka-live in dahil batid niya sa sarili na taos sa puso ni JR ang pagbabagong buhay at wagas din naman ang inialay na pagmamahal sa kanya sa kabila ng pagkakaroon niya ng dala­wang anak.