Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng marinong Pinoy iuuwi sa Sept. 17

0 59

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang labi ng marinong Pinoy na nasawi sa paglubog ng isang cargo vessel sa Japan ay maiuuwi na sa Setyembre 17.

Walang binanggit na dahilan ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Osaka sa pagkakaantala sa pagpapauwi sa bangkay ni Joel Linao, ng Polomolok, South Cotabato.

Kabilang sa tulong na matatanggap ng mga naulila ni Linao ay college scholarship sa kanyang mga anak o sinumang kaanak kung single pa ito.

Umaasa namang makakalabas na sa ospital ang isa sa nakaligtas na Filipino seaman, ang 30-anyos na si Jaynel Rosales.

Si Rosales at ang isa pang nakaligtas na Filipino na si Eduardo Sareno, 45, ay uuwi ng Pilipinas sa susunod na linggo. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.