Abante Tonite Interactive

Bangkay ng nawawalang Pinoy sa Thailand, nakita na

365

Natagpuan na ng mga awtoridad ang labi ng isa sa dalawang Pilipino na nawala sa isang beach sa Phuket, Thailand Biyernes nang gabi.

Nadiskubre ang bangkay ni Noah ‘Twitt’ Ibay II ng isa sa mga turista sa Freedom Beach, dalawang araw matapos maiulat na nawawala ito at ang kapwa Pinoy na si Angelo Bien Rafael Cortez.

Ito ang kinumpirma kahapon ng pamilya at mga kaibigan ni Ibay na nakita na ang bangkay nito.

Nabatid na tinangay ng malakas na alon sa masabong beach sina Ibay at Cortez noong Miyerkules ng hapon.

Base sa report, nagbakasyon ang dalawa sa Phuket, Thailand kasama ang 11 iba pa kabilang ang ama ni Cortez.

Sa ngayon ay patuloy pa ang paghahanap kay Cortez na isang re­gistered nurse.

Hindi namam nagbigay ng anumang paha­yag ang pamilya ni Ibay at humiling sila ng dasal

Umaasa naman ang pamilya Ibay at Cortez na makita na rin sa lalong madaling panahon si Angelo Bien. (Armida Rico)