Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng nene lumuwa sa ilog

0 164

Isang bangkay ng batang babae ang natapuang lulutang-lutang sa ilog sa Lucena City, Lunes ng hapon.

Sa report ng Lucena City police, alas-4:30 ng hapon nang madiskubre ng isang residenteng malapit sa ilog ang bangkay ng batang babae na si Jessica Ducay Almariego, 11-anyos, taga-katabing subdivision ng Pleasantville sa Barangay Ilayang Iyam.

Sa pagsususuri ng pulisya, natuklasan na walang suot na pang-ibabang damit at panloob na saplot ang biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Posible umanong pagkalunod ang ikinamatay nito subalit pinag-aaralan pa rin ng pulisya kung may foul play sa pangyayari.

Isinailalim na sa pagsusuri ang labi at inaalam kung bakit wala itong pang-ibabang saplot nang matagpuan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.