Abante Tonite Interactive

Bangkay ng PDEA agent bumuluga sa CamSur

235

Wala nang buhay at nakabalot pa ng masking tape ang mukha ng isang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Lupi, Camarines Sur makaraan umanong magpaalam na may katatagpuing informant sa Daet, Camarines Norte.

Kinilala ng PDEA ang biktima na si Enrico Barba, assistant provincial officer ng ahensiya. Natagpuan ang mga labi nito dakong alas-10:00 ng umaga noong Lunes sa isang kanal sa nasabing bayan sa Camarines Sur.

Mayroon pa umanong cardboard na nakalagay sa katawan ng biktima na may nakalagay na “Wag tularan, tulak ako” habang nakagapos ang mga kamay nito at tadtad ng tama ng bala sa mukha at katawan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagtukoy sa salarin ng krimen.