Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng Pinoy crew sa barko byaheng `Pinas na

0 65

Biniyahe na ang labi ng Filipino crew na namatay matapos lumubog ang sinasakyang cargo vessel na Gulf Livestock 1 sa karagatang sakop ng Japan.

Sa huling ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE), isang OWWA member ang seafarer na si Joel Canete Linao ng Brgy. Cannery, Ligtas Subd., Polomolok, South Cotabato.

Ang labi nito ay isinakay sa mula Tokyo, Japan via Philippine Airlines.

Ang dalawa namang nakaligtas na crew na sina Jaynel Rosales at Eduardo Sareno at kapwa aktibong miyembro ng OWWA ay nakatakda namang i-repatriate sa susunod na linggo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.