Abante Tonite Interactive

Bangkay ng transgender bumulaga

313

Wala ng buhay nang madiskubre ng kanyang mga kaanak ang isang transgender woman sa loob ng inuupahan nitong apartment sa Caloocan City.

Pasado alas-otso ng umaga noon pang Sabado nang madiskubre ang labi ni Kyle Estrela, nasa hustong gulang sa bahay nito sa Barangay 176, Bagong Silang.
Nasa state of decomposition na ang bangkay nito na hinihinalang may ilang araw na ring patay.

Palaisipan pa rin ang pagkamatay ng biktima kung ito ba ay pinatay o namatay sa sakit dahil wala pang resulta sa autopsy report nito.
May bahid ng dugo sa tagiliran si Kyle.

Sa ngayon ay dalawang anggulo ang sinisilip sa pagkamatay ng transgender.
Una ay pagnanakaw at ang huli ay karamdaman.

Kamakailan ay pinasok daw ng magnanakaw ang apartment ni Kyle at ninakaw ang kanyang laptop, pero maayos naman ang gamit ng transgender.

Nagtaka rin ang kanyang mga kaanak dahil sa biglang pangangayayat nito.
Ayon kay Police Lt. Col. Ferdie Del Rosario, Assistant Chief of Police for Administration, nagsasagawa na sila ng follow-up investigation. (Orlan Linde)