Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ng Tsinoy bumulaga sa condo

0 210

Nakatihaya at wala nang buhay nang mabungaran sa bukas na pintuan ang isang Filipino-Chinese businessman kahapon ng madaling-araw sa 8th floor, room 808 ng Imperial Bayfront Tower Condominium sa Mabini Street, Malate, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Ramon Dee, nasa 80-85 anyos, negosyante.

Nabatid na nakita umano ni Manny Sebat, 44 , ng room 802 ng nasabi ring condo, dakong alas-4:15 ng madaling-araw ang nakatimbuwang na biktima kaya kaagad niyang ipinaalam sa kanilang security guard na agad namang nag-report sa pulisya.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima at maayos din ang loob ng unit nito.

Hinala ng pulisya, atake ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.