Abante Tonite Interactive

Bangkay ni Kobe hindi na makilala

0 1,037

SA unang pagkakataon, nalaman ng publiko kung gaano ka-brutal ang inabot na kamatayan ni Kobe Bryant, 13-anyos na anak na si Gianna at pitong iba pa kabilang ang piloto ng nag-crash na helicopter noong Jan. 26.

Sa report ng Los Angeles County coroner’s office, nakumpirma ring walang alcohol o drugs sa sistema ng pilotong si Ara Zobayan.

Hindi na makilala si Kobe nang matagpuan ang katawan sa labas ng wreckage. Kinilala ang Lakers legend sa pamamagitan ng fingerprints. Klaro sa report na agad namatay si Kobe at walong pasahero dahil sa blunt trauma.

“These injuries are rapidly if not instantly fatal,” ulat ni Juan Carrillo, senior deputy medical examiner.

Accidental ang pagkamatay ng mga biktima na papunta sa Thousand Oaks.

Suot ni Gianna ang jersey na gagamitin sana sa laro noong umagang ‘yun sa mini-tournament sa Mamba Sports Academy, may ‘Mamba’ sa harap at last name niya sa likod.

Kasama ng mag-ama ang isang coach ni Gianna at dalawa niyang teammates.

Nasalubong raw ng helicopter ang makapal na fog, iniakyat ni Zobayan at halos makawala na sa ulap nang biglang pumaling pa-kaliwa at bumulusok sa kakahuyan ng bundok sa ibaba.

Pagbagsak, lumilipad daw ang chopper sa bilis na 296 kph at pababa ng higit 4,000 feet per minute. Sa lakas ng impact, nagkaroon ng uka sa lupa at humagis ang debris sa area na kasing-laki ng isang football field. Nagliyab ang wreckage, pero nadetermina na patay na ang mga biktima nang masunog ang mga katawan.

Natagpuan sa isang side ng wreckage ang bangkay ni Kobe, nakita si Gianna sa isang bangin sa kabila.

Nakalagay sa autopsy report na nakitaan ng tattoo ng crown sa kanang balikat ni Kobe, sa itaas nito ang pangalan ng asawang si Vanessa. Sa lower right arm ang mga pangalan ng tatlong anak na babae – Bianka Bella, Natalia Diamante at Gianna Maria-Onore. Wala roon ang pangalan ng bunsong si Capri Kobe na pitong buwan pa lang nang mamatay ang ama.

Hindi pa kinukumpirma ng National Transportation Safety Board kung ano ang dahilan ng crash, pero wala raw senyales ng mechanical failure sa Sikorsky S-76.

Ang iba pang namatay sa aksidente ay sina Orange Coast College baseball coach John Altobelli, asawa niyang si Ken at anak nilang si Alyssa; Christina Mauser na katuwang ni Kobe sa pagku-coach sa team ng anak; at sina Sarah Chester at anak niyang si Payton. Teammates ni Gianna sina Alyssa at Payton. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad