Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay ni lola kinain ng mga alagang pusa

0 270

Bahagyang kinain ng mga alagang pusa ang naaagnas na labi ng isang babae sa Madrid, Spain.

Batay sa mga ulat abroad, natagpuang patay si Clara Ines Tobon, 79, sa kanyang apartment noong dulo ng Mayo 2021.

Natagpuan ang lola na may nawawalang ilang itaas na bahagi ng katawan habang napalilibutan ng lima niyang mga pusa, na pawang natagpuang nasawi rin.

Samantala, buhay ang dalawa pa niyang alagang pusa pero malnourished at dinala na sa animal shelter.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napaulat na mag-isang nakatira ang si Tobon sa nasabing apartment mula 1996 at nakatira ang kanyang pamilya sa Colombia.

Sinabi ng kanyang mga kapitbahay na ilang linggo na nilang hindi nasisilayan ang matanda at umaapaw na ang laman ng letterbox nito.

Ayon pa sa isa sa mga kapitbahay, naamoy nila kamakailan ang “napakabahong amoy” mula sa apartment kaya kinontak na nila ang awtoridad.

Lumalabas sa post-mortem examination na nasa isa hanggang tatlong buwang patay na si Tobon dahil sa natural causes.

Nakumpirma naman sa autopsy na pumanaw ang mga pusa dahil sa gutom at kinain ng mga ito ang bangkay ng kanilang amo. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.