Abante Tonite Interactive

Bangkay ni lola natunton sa alingasaw

352

Dahil sa masangsang na amoy kaya natuklasang wala ng buhay ang isang 62-anyos na lola sa loob ng kanyang bahay sa Bacoor City, Cavite.

Hinihinalang may ilang araw ng patay ang biktima na si Norma Ladra, may-asawa ng Blk. 10 Lot 14 South 1, Camella Spring Ville, Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt. Edison Fetalcurin, alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay ng kapitbahay nitong si Bryan Soleda, 33, isang chopper sa Estralla Meat Shop sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Bryan, nakalanghap siya ng masangsang na amoy mula sa bahay ng biktima dahilan upang ipagbigay alam niya ito sa mga opisyal ng Homeowners Association at barangay official kung saan pagresponde’y
Natuklasan nilang wala nang buhay si Ladra, nangangamoy at naaagnas na ang katawan.

Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima na mag-isa lamang na nakatira sa kanyang bahay. (Gene Adsuara)